Work Text:
“Ma’am, may I go out?” pagpapaalam ni Jeonghan sa kaniyang guro upang magtungo sa banyo. Sus, palusot niya lang yan. Ang totoo dadaan talaga yan sa kabilang silid-aralan para sumilip sa crush niyang si Joshua Hong.
Si Joshua Hong ng Grade 9 Gold na akala mo nakalunok ng tupa sa sobrang lambing at lambot ng boses—according to Jeonghan, by the way. Nagustuhan niya ang binata noong nasa ika-pitong baitang pa lamang sila, inabutan kasi siya ni Joshua ng G-Tec Pilot Pen 0.4 nang mawalan agad ng tinta ang nahulog niyang bagong bili na Faber-Castell ballpen sa tapat ng kanilang eskwela. Ayon tinamaan ng lintik, kilig na kilig si Jeonghan—to be loved is to be seen daw kasi. Napansin lang na nangangailangan ng extra pen “to be loved is to be seen” na? oa. Ngayon lang sila nagmintis na hindi maging magkaklase, sa sobrang dami kasing with honors nang magtapos sila sa ikawalong baitang ay tinaasan nila cut off ng grades para sa star section. Ika nga ni Jeonghan “Let the universe conspire in your favor.” Daming alam, maligo lang hindi
Nang payagan ito ng kaniyang guro ay agad naman nitong hinila ang kaniyang matalik na kaibigan na si Seungcheol, syempre gusto niya rin, makikita lang naman niya ang pinaka magandang lalaki sa mata niya—walang iba kundi si Jihoon Lee.
Bihag na bihag ang puso ni Seungcheol nang kumanta si Jihoon sa harap ng entablado noong ika-pitong baitang. Kinanta lang naman nito ang Magbalik by Callalily. Na para bang isang tin tiwtiw tin tiniwiw siya na ang bahala maghabol.
“Aba talaga bang kailangan dalawa pa kayong magbabanyo?” sabi ng kanilang guro gamit ang mikropono ng basag na tunog ng kaniyang lapel habang hinihimas ang tiyan nito at nagpapaypay gamit ang asul na pamaypay. Ikinatawa naman ng buong klase ang sinabi ng ginang na isinawalang bahala na lang ni Jeonghan at lumabas.
Buryong buryo na kasi ang dalawa makinig sa kanilang asignaturang Filipino, pakiramdam nila sobrang bagal ng ikot ng kamay ng relo at hindi pa rin matapos tapos ang klase. Basta ang mahalaga alam nila ang pinagkaiba ng “ng” at ”nang”, okay na yan. Gustong gusto na nga mag-cutting ni Jeonghan, pinili niya lang pumasok ngayon na para bang utang na loob pa ng mga guro niya dahil magpapaka-good boy na raw siya.
Nang makarating ang dalawa sa section kung saan nila pinaplanong dumaan, pasimple namang dumungaw ang mga ito. Astang mala-y/n ang dating ni Joshua, paano para siyang nagliliwanag dahil sa kaniya nakadampi ang malambot na sikat ng araw—nakaupo kasi ito malapit sa bintana kaya naman akala mo ay may sarili itong spotlight kung makapabor sa kaniya ang araw. Abalang abala ito sa pagsusulat ng lecture na nasa pisara—limang manila paper na nakapaskil sa harap. Si Seungcheol, ayon negats hindi niya nakita si Jihoon. Kawawa.
Kung anong ikinalaki ng ngiti ni Jeonghan, ayon naman ang ikinalungkot ni Seungcheol.
“Nakakainis,” pabirong sambit ni Cheol habang sinaside eye ang ngiting ngiti na si Jeonghan—ngiting nanalo sa lotto—na para bang pinakasalan na siya ni Joshua, partida wala pang eye contact yan???
Pagtapos ng klase ay pumunta agad ito sa section Gold upang manghiram ng walis at dustpan, kahit lima talaga ang walis nila roon.
“Hello po,” nakakainis na bati ni Jeonghan, sobrang lambing ng boses na para bang hindi barumbado pag si Seungcheol ang kausap. “Pwede po bang manghiram ng walis at dustpan?”
“Hi, Jeonghan! Sure, kunin ko lang sa likod”
Halos kainin na ni Jeonghan ang kamao niya sa sobrang kilig nang banggitin ni Joshua ang pangalan niya. Pero syempre hindi niya pinahalatang mamamatay na siya sa kilig, kailangan maangas pa rin siya sa harap ni Joshua.
Nang iabot ni Joshua ang walis, aksidenteng nagdampi ang kanilang mga kamay. “Thank you,” maangas na pagpapasalamat ni Jeonghan kahit ang totoo halos manlambot ang mga tuhod nito sa nangyari. Pakiramdam niya kakampi niya ang Miyerkules, kaya nga paborito niyang araw yan.
Marami pang ginagawang rason si Jeonghan para lang makita si Joshua tulad ng
“Pwede raw po bang makahingi ng chalk si Ma’am Reyes?” kahit ang totoo punong puno pa ng chalk ang kahon ng kanilang adviser.
“Pwede po bang makahiram ng bunot?” kahit may anim pa silang bunot, ang isa ay naiuwi pa ni Seungcheol, nilagyan lang naman ng magaling na Jeonghan ng bunot ang kaniyang bag dahil siya ang pinansin ni Joshua nang makasalubong nila ito sa hallway
O kaya pakunwaring pagwawalis nito sa hallway na sa sobrang oa nakarating na siya sa tapat ng section nila Joshua. Tatlong silid aralan lang naman ang pagitan ng kanilang section, napapakanta na nga lang si Jeonghan ng Magkabilang Mundo by Jireh Lim na para bang nasa Los Angeles ang crush niya
Tuwing recess o lunch, sumasandal ito sa corridor ng kanilang silid, mga kamay nakapamulsa habang pinapanood si Joshua sa hallway. Kumakabog lalo ang dibdib nito pag nakikita niyang tumatawa ang binata. Minsan di mo alam kung kailangan mong tumawag ng ambulansya o nars sa sobrang pagkabaliw niya, bigla bigla na lang kasi ‘to natutulala at nagsasalita mag isa
“Pucha ang ganda talaga,” parang yan na nga lang ang bokabularyo na alam niya
Nang minsan pang ginabi ng uwi si Joshua dahil sa meeting, hinintay niya ito sa labas ng gate ng eskwela at may hawak pa talaga siyang bola bilang props masabi lang na ginabi siya dahil sa paglalaro ng basketball pero ang totoo niyan hinablot niya lang yan sa bata. Jusko nagpaiyak pa talaga ng bata makaporma lang sa crush niya
“Uy Jeonghan, gabi na nandito ka pa?” sakses na pagpapapansin ni Jeonghan nang mauna siyang batiin ni Joshua. Busy-busyhan pa nga itong si Jeonghan dahil mukha siyang tangang nagdidribble, nagawa niya pang mag between-the-legs crossover
“Ah oo, ginabi kasi kami ng laro ni Choi” nandamay pa nga, nakagat tuloy ng nananahimik sa bahay na Seungcheol ang dila niya
“Ikaw ginabi ka ata?” pabalik na tanong ni Jeonghan na para bang wala siyang alam na gagabihin ngayon ang crush niya dahil sa meeting.
“May meeting. Sige na, Jeonghan, una na ko,” pagpapaalam ni Joshua
“Walking distance ka lang ba bahay niyo mula rito?”
“Yeah, why?”
“Hatid na kita,”
Mabuti na lang madilim ang paligid at hindi nakatapat sa kanila ang streetlight, hindi makikita ni Jeonghan kung paano namula ang mukha ni Joshua na parang kamatis sa simpleng alok nitong paghatid sa kaniya
Magpapabebe pa sana ito at hihindi, nang biglang kinuha ni Jeonghan mula sa kamay niya ang blue adventurer plastic envelope at bag nitong Hawk mula sa balikat niya. Swabeng inilagay ni Jeonghan sa balikat niya ang mabigat na bag ni Joshua.
“Tara?”
Tanging ngiti na lamang ang naisagot ni Joshua at tumabi kay Jeonghan sa paglalakad
Kahit na out of the way pa ang bahay ng binata, sinigurado pa rin ni Jeonghan na makakauwi ito nang ligtas.
“Taga rito ka lang din ba?” tanong ni Joshua habang binibigay ni Jeonghan ang mga gamit nito sa kaniya nang makarating na sila sa tapat ng bahay nito
Napakamot ng ulo si Jeonghan sabay sagot, “Oo,” pagsisinungaling nito
“Uh…
“Ano
“Jeonghan
“Kung gusto mo lang naman
“Pwede tayong sabay umuwi” nahihiyang sabi ni Joshua
Gumuhit ang malapad na ngiti sa kaniyang mukha nang marinig nito ang sinabi ng binata—hindi iniintindi ang layo ng bahay nito mula sa kanila.
“See you tomorrow?”
“See you tomorrow, Joshua,”
Sa pag uwi ni Jeonghan, namitas ito ng mga dahon sa mga nadadaanan nito upang hindi ito pagalitan ng kaniyang ina dahil ginabi na ito ng uwi. Nakuha pa nga nito mag-chant ng “He loves me, he loves me not,” imbis na sa talulot ng bulaklak niya ito gawin, sa mga dahon na napipitas niya ito ginawa. Sakto namang pagkarating niya sa bahay nila ay tumapat ang he loves me.
Joshua:
Jeonghan
Online ka ba? T__T
I think we got our bags mixed up
hindi
sadya yan
para may rason ulit akong kitain ka sa classroom mo bukas :)
Joshua:
Oh
Okay. See you around then :)
Yung ID mo pala nandito
suotin mo muna HAHAHA
Joshua:
You can wear mine too
Halos mapunit na ang labi ni Jeonghan sa kangingiti nito, sakses talaga siya sa pagiging mastermind niya. Simula noong grade 7 pa lang sila ay malala na itong magpapansin, pag napapansin niya ang bagong nakakahiligang pagkain ni Joshua—tulad na lamang ng stick-o—tiyak kinabukasan may tatlong malalaking garapon na ito ng stick-o sa mesa. Tatlo para i love you. sheesh
Every lunch inuunahan ni Jeonghan si Joshua na pumunta ng library at uupo sa tabi ng paboritong upuan ng crush niya, hindi mo masasabing performative dahil hindi naman siya nagbabasa ng libro para magpanggap, nandoon lang siya para magtulog-tulugan at gigising nang saktong 12:04 PM dahil iyon ang oras ng dating ni Joshua. Kapag naka-earphones nga ito, inaalok niya yung kabilang bahagi para lang maiparinig niya kay Joshua ang mga panghakot na kanta—nangunguna na riyan ang Bahala Na by James Reid & Nadine Lustre.
Syempre ngiting ngiti naman sa ganiyang galawan si Joshua, sige nga sino namang ngingiti habang nagbabasa ng Ibong Adarna, wala!
Kaya ngayon kulang na lang ay maging gulong si Joshua dahil kanina pa ito pagulong-gulong sa kama dahil sa palitan ng mensahe nila ni Jeonghan.
Walang palya na pumupunta si Jeonghan sa section nila Joshua kasama pa nga nito ang kaibigan niyang si Seungcheol na ubod ng torpe. Sa sobrang torpe niya akala ni Jihoon may galit ito sa kaniya, kaya ayon kada pumupunta si Cheol sa section nila ay wala ring palya ang natatanggap nitong irap mula sa nakababata.
Pasilip pa lang si Jeonghan sa pinto nang bumulaga bigla si Joshua habang nakahalukipkip
“Ano namang hihiramin mo ngayon?” tanong ni Joshua at sumandal sa pintuan
“Ikaw,”
“Pwede ka bang mahiram?” banat ni Jeonghan na may halong kindat na ikinakilig naman ng buong section ni Joshua. Mga chismosa!
“Luh” ang tanging nasagot ni Joshua at tinakpan ang pisngi nang maramdaman nag init ang kaniyang mukha
“De biro lang, pahiram daw ng pentelpen si Ma’am Reyes,”
Pagsapit ng hapon, agad itong nagpalit ng P.E uniform at sinuot ang sunglasses niya na para bang siya si six eye Gojo Satoru ng 9-Silver. Nagpapogi pa ito sa harap ng salamin na hiniram niya lang sa kaklase atsaka umalis. Syempre dadaan siya sa harap ng silid ng crush niya, pasikat talaga kahit kailan. Nang makitang wala pang guro ang kanilang section at walang ginagawa si Joshua, sumandal ito sa pintuan at itinaas ang salamin nito.
“Hi, ganda,” pagtawag nito nang magkatinginan silang dalawa na parang aldub. Laglagan na yan ng plywood sa gitna!
Halos mabingi ang dalawa sa lakas ng ”ayieee” ng mga kaklase nito, inirapan lang siya ni Joshua at yumukyok sa mesa na ikinakunot naman ng noo ni Jeonghan. Kaninang umaga parang ang amo pa nito, hindi niya malaman kung bakit ito galit sa kaniya
“Ay LQ?” malakas na nasabi ni Jihoon ang dapat na ibubulong lang niya kay Joshua. Isang malaka na “aww” tuloy ang umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ng kanilang section
Nang mag uwian mabilis na nag ayos si Jeonghan ng upuan masabi lang na naglinis siya at sumibat papunta kay Joshua, pagkalabas ng pinto ng lalaking kaniyang pinopormahan parang awtomatiko na ang mga kamay nito sa pagkuha ng mga gamit niya.
“Sungit mo kanina, may nagawa ba ko?” tanong ni Jeonghan habang pinadaan niya ang kaniyang mga daliri sa buhok upang ayusin ito
Hindi umimik si Joshua at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis kay Jeonghan. Disappointed ba siya dahil hindi siya ang sadya ng binata kanina sa silid nito kahit alam naman niyang panibagong pagrarason lang ang manghiram ng gamit sa kanilang section makita lang siya? Hindi niya ba narinig ang mga salitang gusto niyang marinig kay Jeonghan tulad ng “gusto mo bang sabay tayo mag-lunch?” Nakahanda pa naman ang sagot nitong oo na para bang sasagutin niya na si Jeonghan.
Kaso hindi niya nga alam kung nanliligaw ba talaga ‘tong si Jeonghan dahil hindi naman siya nagtanong. Hinahayaan lang nito gawin ang mga bagay para sa kaniya.
Sa sobrang inis niya hindi niya namamalayan na bumibilis na siya sa paglalakad at naiwanan na nang tuluyan si Jeonghan. Paglingon niya sa likod upang tingnan ang binata—si Jeonghan na nakangiti pa rin walang rekla-reklamong tumatakbo papunta sa kaniya—bumilis ang tibok ng puso nito na tipong gusto nang umalis mula sa dibdib niya. Tila ay para siyang nasa romcom na madalas niyang napapanood. Kulang na lang ay background music na Paligoy-ligoy masabi lang na nasa palabas siya.
“Jeonghan, basketball!” sigaw ni Seungcheol pagdaan nila sa court ng kanilang eskwela
“Hindi pwede, ihahatid ko si ganda,” sigaw nito pabalik na ikinainit na naman ng pisngi ni Joshua. Kailan pa siya tinawag nitong ganda? Ah basta bahala na galit pa rin siya rito
“Galit ka ba sakin?” na para bang nabasa agad ni Jeonghan ang kaniyang ekspresyon paglabas nila ng eskwela.
Hindi ulit siya umimik at binilisan na lang ang paglalakad. Sus! Gusto niya lang talagang nakikitang binibilisan ni Jeonghan ang paglalakad para mahabol siya. Ganda yan?
“Nagmamadali ka bang makauwi? Ililibre kita ng pamasahe sa tricycle,” tatawag na sana si Jeonghan ng tricycle nang hawakan ni Joshua ang palapulsuhan niya upang pigilan siya.
“I’m not,” hay sawakas nagsalita na ang may pinaka masikip na boses
“Oh bakit nagagalit po ang shuji ko?” malambing na tanong ni Jeonghan habang hinahawi ang buhok sa noo ni Joshua na malapit ng tumusok sa mga mata nito
“E-ewan!” nauutal na sagot ni Joshua dahil sa epekto ng boses sa kaniya ni Jeonghan. Napaisip tuloy siya kung ganito ba talaga magsalita ang binata o sa kaniya lang ito ganito. Pero isa lang ang napagtanto niya
Gusto niyang sinusuyo siya ni Jeonghan
“I thought…
“You were gonna ask me to grab lunch earlier,” nahihiyang sagot ni Joshua, humigpit pa ang pagkahawak nito sa palapulsuhan ni Jeonghan
Ngumiti si Jeonghan na parang tanga at kinagat ang loob ng pisngi upang pigilan na lumapad ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha.
“Joshua”
“Hmmm?”
“Nagugustuhan mo na ba ako?”
Agad na namula ang pisngi ni Joshua at tinakpan ang mukha. Hindi siya makasagot—wala sa plano niya ang unang umamin. Si Jeonghan ang unang nagkagusto kaya dapat siya ang umamin. Ano bang meron sa ihip ng hangin at napabaligtad ng binata ang sitwasyon. Imbis na magsalita ay naglakad na lang ito habang ang mga kamay ay nakalapat pa rin sa pisngi.
Kinagat ni Jeonghan ang kaniyang ibabang labi nang makuha niya ang reaksyon na gusto niyang makita kay Joshua.
“Ang sakit na ng paa ko,” pagkukunwaring reklamo ni Joshua
“Halika, pasanin kita,” sambit ni Jeonghan habang inilalagay ang bag ni Joshua sa harap at hinawakan na lang ang sarili niyang gamit sa kabilang kamay kung saan wala siyang hawak.
Napanguso na lang si Joshua sa sagot ni Jeonghan. Hindi niya ba gets? Hindi niya ba gets na nagkukunwari lamang itong masakit ang paa dahil gusto niyang makasama si Jeonghan nang matagal? Hindi niya ba gets na kahit saglit lang gusto niyang umupo sa gilid ng kalsada kasama nito at mag usap ng mga walang kwentang bagay?
Nagpakawala na lamang siya ng mabigat na buntong hininga at pumasan sa binata
Ayon si Jeonghan ngiting tagumpay, nakapasan lang naman sa kaniya ang crush niya.
“Ang gaan lang pala ng mundo no?” sambit ni Jeonghan at inayos ang pagkakapasan kay Joshua
“Huh?”
“Ang gaan lang, ito nga pasan pasan ko,”
“Puro ka kalokohan” na lamang ang nasabi ni Joshua, hay nako namumula na naman siya pati nga tainga ay sobrang pula na hindi mo alam kung mundo o Mars ang pasan ni Jeonghan sa sobrang pula ni Joshua. Sayang lang at hindi niya makita ang mukha ngayon ni Joshua, panigurado lalong lalaki ang ngiti ng binata pag nakita niya ang epekto nito sa nakababata
“May laro pala kami bukas ng hapon sa school. Practice lang. Nood ka ha,”
“O-okay. I’ll try,” nautal pa talaga yan siya. Paano nag-flashback lang naman sa utak niya kung paano nag-slowmo si Jeonghan noong nasa ikawalong baitang pa lang sila. Habang tumatakbo pa kabilang bahagi ng basketball court si Jeonghan ay tila nawala lahat ng tao at malalakas na sigawan sa paligid niya. Tanging si Jeonghan lang ang gumagalaw sa paningin niya. Kinindatan pa nga siya ng binata bago tumira. Yoon for three!
Tila ba tinamaan na ng lintik ‘tong si Joshua. Kailan pa siya natutong magsinungaling? Kinutsaba niya lang naman ang kaibigan nitong si Jihoon na dalhin siya sa clinic dahil sumasakit ang lalamunan at sinisinat na raw. Clinic pero nasa court? Okay na yan parehas naman nagsisimula sa letter C, dedma. May pa-soft launch pa ngang ubo si Joshua bago siya ipagpaalam ni Jihoon. Alexa play Para-Paraan by Nadine Lustre.
Kulang na lang mag go sexy go sexy go sexy sexy love itong si Joshua nang makita si Jeonghan na nakasuot ng pulang jersey na may number 30 sa likod. Kung anong ikinakilig ni Joshua kay Jeonghan nang kawayan siya nito, ayon naman ang kinabusangot ni Jihoon nang makita si Seungcheol.
“Sa tingin mo may issue sakin si Choi?”
Kibit balikat na sumagot si Joshua, “I think he likes you,”
“He likes me?” malakas na sarkastikong ha ang pinakawalan ni Jihoon
“Kinausap ko nga yan para itanong sino presidente ng klase nila iniwasan lang ako,”
“Tingnan mo ha,” tinaas ni Jihoon ang kamay niya at kumaway kay Cheol. Agad naman itong tinalikuran ng lalaki at tumakbo papunta kay Jeonghan na abalang nagpupunas ng pawis habang umiinom
“See?”
“Tangina mo pre!!! Kinawayan ako ni Ji,” mura ni Cheol habang pinapalo palo ang braso ni Jeonghan
“Para akong mamamatay, ang ganda ganda ni Jihoon pucha,” sobrang bilis ng tibok ng puso ni Cheol na para bang sinusuntok ang ribcage nito makawala lang sa dibdib niya. Kaso sa ubod ng katorpehan, akala ni Jihoon ay sinusungitan at hindi siya pinapansin ni Seungcheol pero ang totoo niyan halos himatayin na siya sa tuwing nagkakaroon sila ng 5-second eye contact o nagdadaplis ang mga kamay nila tuwing pasimple siyang pupunta sa harap ng pila tuwing flag ceremony na para bang siya ang presidente ng klase—paraan para makita sa harap at madaanan si Jihoon tuwing pupunta na siya sa likod. Magkatabi kasi ang pila ng section Gold at Silver tuwing flag ceremony. Kaya nga kilig na kilig din si Jeonghan dahil magkasing tangkad lang sila ni Joshua, sila kasi ang magkagilid tuwing flag ceremony. Pasimple pa niyang ginagalaw ang kamay niya magdaplis lang ang kamay nilang dalawa.
Para-paraan, Para-paraan
Para, para lang, para, para lang
Makasilay lang, Makasilay lang sayo
Na para bang si Karla Estrada ang kumakanta sa utak ni Joshua imbis na si Nadine Lustre habang pinapanood maglaro si Jeonghan. Pinuntahan pa nga siya nito sa bleachers pagtapos ng laro nila para lang magtanong
“Kumain ka na ba? Kain tayo pagtapos ng klase,”
“Nga pala, wala ka bang klase?” pahabol na tanong ni Jeonghan habang nagpupunas ng pawis sa leeg nito
“Meron, uh…”
“Tumakas lang siya,” singit ni Jihoon
“Hoy kasama ka!”
“Dinamay mo ko!”
“Ayon bang kaibigan mo okay lang? Kanina pa namumula,” tanong ni Jihoon at sumulyap muli kay Cheol na kanina pa siya umiiwas ng tingin sa kaniya
“Normal niya yan, gusto mo bang puntahan?” mapang asar na tawa ang kumawala kay Jeonghan nang makita niyang nag aalala si Jihoon panigurado mamamatay sa kilig si Seungcheol pag kwinento niya ito
“Hell no,” masungit na sabi ni Jihoon
Ibinaling ulit ni Jeonghan ang tuon kay Joshua, nagulat pa nga ito nang agawin niya ang bimpo sa kamay ng binata at siya ang nagpunas ng pawis nito. Dwight Ramos and Kianna Dy dethroned?“Di na ata ako kailangan dito,” sambit ni Jihoon
“Kailangan ka non oh,” nguso ni Jeonghan paturo kay Cheol
“Che!”
“Kain tayo mamaya, ganda?” preskong aya ni Jeonghan kay Joshua na abala pa rin sa pagpupunas ng pawis nito
“Okay!” pagpayag nito agad
Pagtapos ng klase ay agad dumiretso si Jeonghan sa silid nila Joshua, halos manlambot ang mga tuhod niya nang makita niya si Joshua na may malapad na ngiti habang papalabas sa pinto. Agad nitong kinuha ang mga gamit mula sa kamay at balikat niya.
Lalong lumawak ang ngiti ni Jeonghan at halos hindi na siya makahinga sa sobrang oa niya nang ipinulupot ni Joshua ang kamay niya sa braso nito. High school sweethearts talaga ang atake. Na para bang sila ang Mhiema at Dhiey ng buong campus.
Nagtungo sila sa sikat na Sizzylogan na malapit sa eskwelahan nila. Simula grade 7 ay lagi na sila ritong kumakain ng sisig, kahit hindi pa sila close noon madalas silang nagkakasabay sa pagkain pero syempre hindi sila sa iisang table kumain. Paano na lang si Seungcheol niyan kapag nakasabay si Jihoon kumain? Baka makita mo na lang siyang kumakain sa ilalim ng mesa. Wala na talagang gamot para sa mga torpe. Mabuti na lang at walang bahid ng kung anumang katorpehan si Jeonghan. Ayaw pa naman ni Joshua sa mga torpe ang lalakas daw mag aksaya ng oras. Na para bang magsasabi lang na gusto kita ikamamatay na
Pero wala pa nga siyang naririnig na pag amin mula kay Jeonghan, nababadtrip na naman tuloy siya
“Dalawa nga pong sisig, yung isa walang itlog paki kontian na rin po ng mayo. Tapos dalawang coke po,”
“Huh? Paano mo nalaman hindi ako nag iitlog sa sisig?”
“Naririnig ko lang sayo nung grade 7 pa tayo,”
“Oh may shota ka na? Ayos ah,” sambit ng lalaking kumuha ng order nila na kilala sila dahil sa dalas nilang kumain sa sizzylogan
“Hindi pa po, wag naman shota grabe ang ganda ganda po ng kasama ko tapos shota lang tawag,” sagot ni Jeonghan
“Aba lover boy na,”
“Syempre naman!”
Ayan na naman jusko namumula na naman si Joshua! Akala tuloy ni Jeonghan ay naiinitan siya kaya inilabas niya ang pangmalakasang malaking pamapaypay niya na tig-30 pesos sa tindahan at pinaypayan si Joshua.
Nang dumating ang kanilang mga order, pinunasan niya ang mga kubyertos gamit ang malinis na tisyu at iniabot kay Joshua. Piniga na rin niya ang kalamansi at hinahalo halo ang sisig upang hindi ito masunog sa sizzling plate.
“Thank you, Jeonghan,”
“Welcs, ganda. Kain na,”
Habang kumakain, nakita ni Jeonghan na sumisilip silip si Joshua sa stall kung saan may nagbebenta ng shake at pasimpleng binabasa ang menu
“Gusto mo ba ng shake? Anong flavor gusto mo”
“May coke na ko,”
“Ano naman? Ako uubos kung gusto mo mag shake. Sige na pili ka na Shuji ko para ma-order ko na,”
“Hmm I want strawberry shake pero I want to try their banana strawberry din. Ikaw anong sayo?”
“Secret,” malokong sagot ni Jeonghan
Balak kasi nitong orderin ang mga nasabing flavor ni Joshua upang masubukan niya pareho at kung ano ang ayaw niya iyon ang kaniya. Nang makuha niya na ang kanilang inumin, bahagya pang nagulat si Joshua dahil ang mga flavor na sinabi niya ang inorder ni Jeonghan.
“Nasaan yung iyo?”
“Pili ka muna, tikman mo pareho,”
Tinikman ni Joshua ang dalawang milkshake, nang makapili ito ipinatikim niya muna kay Jeonghan ang banana strawberry na nagustuhan niya. Hala indirect kiss
Nang matapos kumain, sumandal si Joshua sa balikat ni Jeonghan habang dahan dahan nitong inuubos ang kaniyang banana strawberry milkshake. Napakuyom ng kamay si Jeonghan sa ilalim ng mesa na para bang nagwagi siya sa pagsandal ni Joshua sa kaniya. Wala talaga sa plano ni Jeonghan ang pumorma kay Joshua, kaya nga astang secret admirer siya mula grade 7 na para bang hindi siya nahuhuli ni Jihoon na naglalagay ng kung ano ano sa bag o mesa ng pinopormahan.
Kung hindi pa sila nagkaiba ng section ay hindi pa ito kikilos. Iritang irita kasi si Jeonghan kada may makikita siyang pumoporma kay Joshua kaya nga di niya makakalimutan yang si Wonwoo Jeon ng 9 Gold, siya talaga ang pinaka dahilan kung bakit naisipan na ni Jeonghan manligaw kay Joshua. Kaso hanggang ngayon ay hindi siya maka-timing magtanong, dito na nawawala ang angas niya—nahihiya. Baka raw kasi i-reject siya ni Joshua tulad ng pag-reject niya kay Wonwoo. Mas okay na sigurong magkaibigan na lang sila
Pero ayos lang ba kay Joshua na hanggang doon na lang sila? Hindi
Matagal na rin namang may gusto si Joshua kay Jeonghan, kaya nga ang dami nitong binabasted dahil hindi sila si Jeonghan. Hinihintay niya nga itong manligaw. Kaya nga tuwang tuwa ito noong sinabayan siya umuwi noong gabing yon. Kahit gaano siya kabilis maglakad, binabagalan niya ang paglalakad tuwing magkasama sila sa pag uwi para matagal niyang makasama si Jeonghan.
“Uwi na tayo?”
“Pasan mo ko?”
“Oks, ganda,”
Bumibilis ang tibok ni Joshua kada tinatawag siya ng binata na ganda, iba pa rin pala ang epekto pag si Jeonghan Yoon ang tumatawag sa kaniya nito. Natatakot nga siya ngayon sa sobrang lapit nila sa isa’t isa dahil nakapasan siya sa likod ng nakatatanda ay maramdaman nito kung gaano niya napapabilis ang pagtibok ng puso niya. Kung gaano kalaki ang epekto nito sa kaniya. Na para bang si Jeonghan ang icing sa ibabaw ng ice gem biscuit niya. Na para bang si Jeonghan ang filling sa gitna ng Dewberry.
“Nandito na tayo, ganda”
“Ang bilis mo naman maglakad!” reklamo ni Joshua na ikinatawa naman ni Jeonghan. Kung wala lang itong hawak na bag at envelope ay malamang napisil na nito ang pisngi ni Joshua
“Punta naman tayo sa bahay mo di ba malapit ka lang dito?” Ayun timbog ka ngayon Jeonghan
“Ngek pagabi na”
“Ano naman dali na please,” ayan na nga nag-please na, isa sa mga kahinaan ni Jeonghan. Pakiramdam niya tuloy siya si George na palibhasa kasi alam na alam ni Joshua kung pano siya kunin isang ngiti, isang kanta, isang akap, isang sorry, wala na umiikot na ulit buong mundo niya, matalino siyang tao pero pagdating kay Joshua ewan, natatanga siya.
“Sige na, Jeonghan,” naputol ang pagka-inner George ni Jeonghan nang marinig niya sa pinaka malambing ng tono ng boses si Joshua. Wala na siyang magagawa. Malayong bahay reveal
“Ha? Dito ka nakatira? Ang layo!” bumaba si Joshua mula sa likod ni Jeonghan at kinuha ang mga gamit nito. Na-guilty tuloy siya dahil pinaglakad niya ng malayo ang binata habang nakapasan siya rito.
“Uwi na ko, Jeonghan. Thank you
“And I’m sorry. I didn’t know okay. Sabi mo malapit ka lang samin,”
“Teka hatid kita, ibaba ko lang bag ko,” oh di ba parang tanga lang na hinahatid isa’t isa
“Baliw wag na!”
“I insist. You don’t have to be sorry, Joshua. Gusto ko pag hinahatid kita,”
“Kahit malayo bahay mo sakin? Bakit?”
Tumango si Jeonghan, “Hindi pa ba halata?”
“Gusto kita, Joshua Hong. Gustong-gusto kita, hindi pa ba halata?”
Yoon for three! Sawakas nakaamin na si Numero 30
“Gusto kita, Joshua. Halos hindi ako makahinga pag hindi ka nakikita kaya lahat ng gamit na pwedeng mahiram sa classroom niyo hihiramin ko kahit wala namang gumagamit”
“Na nag tryout ako sa basketball noong grade 7 nung nalaman kong ikaw yung tatakbong grade 7 representative para may rason akong makausap ka. Na sinasadya kong magpahuli sa kaibigan mo pag may nilalagay ako sa desk at bag mo para masabi niya sakin kung ano yung gusto mo. Na sinasadya kong dumaan sa classroom mo makita ka lang. Na birthday mo yung nasa jersey—“
Hinawakan ni Joshua ang mga kamay niya, “Breathe, Jeonghan. Breathe,”
“Na nakakalimutan kong huminga pag nasa harap o kasama kita…” pahabol na sabi ni Jeonghan
“Pero ayos lang kung hanggang kaibigan lang tingin mo—“
“Stupid!” nakatamo tuloy si Jeonghan ng hampas mula kay Joshua nang sabihin niya ito
“I like you, too. Okay? Gusto kita,”
Nanlaki ang mga mata ni Jeonghan sinabi ni Joshua. Na para bang MVP na agad siya kahit hindi pa nag uumpisa ang laro. Na para bang kaya niya nang talunin si Lebron James kapag nag-basketball sila ngayon din. Na para bang nanalo na agad siya sa lotto kahit hindi pa siya tumataya.
“Talaga? Sabihin mo pa nga,” panunukso ni Jeonghan at kinagat ang ibabang labi nito. Halata sa boses kung gaano ito kasaya. Sa sobrang saya baka daigin niya pa ang tambalang Marvin at Jolina, baka mapalitan pa ng Jeonghan at Joshua ang lyrics sa kantang Dati by Sam Concepcion.
“Ewan ko sayo!” Natatawang sabi ni Joshua
“Pwede ba kong manligaw?”
“Ayaw mo bang tayo na?” jusko di man lang siya magpakipot kahit konti
“Ayaw mo bang paghirapan kita, ganda?”
“Baliw!” na lamang ang nasabi ni Joshua sa sobrang kilig. Mga kabataan talaga.
Kahit nasa ikasiyam na baitang pa lang sila pakiramdam ni Jeonghan graduate na siya. Pakiramdam niya Summa Cum Laude na agad siya sa kursong Bachelor of Science in Joshualogy. Nakapag-master at doctorate na nga yan.
Syempre si Jeonghan yan maraming pakulo, nakahanda ang singsing nito sa bulsa na gawa sa santan na pasikreto pang pinitas sa eskwelahan. Sabi nga ni Katherine Hepburn, “if you obey all the rules, you miss all the fun,” e di hindi nakagawa si Jeonghan ng singsing na gawa sa santan. Sayang pogi points. Isinuot nito ang ginawang singsing sa palasingsingan ni Joshua. Kaya pala sumakto ang he loves me sa bahay nila Jeonghan dahil doon naman pala sila magkakaaminan.
Proven and tested nga talaga ang katagang “Let the universe do its thing”
The universe in question: Jeonghan Yoon
Mukhang invited tuloy ang mga kaklase nila sa kasalang magaganap sa wedding booth.
